Binigyang-diin ni Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na malaking dagok sa layuning mapanagot ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno kung matutuloy ang plano ng Senate Impeachment Court na i-dismiss o ibasura ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ang ulat na idadaan umano sa botohan ngayong linggo ng Senate Impeachment Court para maibasura ang articles of impeachment laban sa Bise Presidente sa kabila ng panawagan ng House Prosecution Panel na makapaghain ng motion for reconsideration.
Anya, hindi dapat sayangin ng Senado ang pagkakataon na mabigyan si VP Sara ng pagkakataon para magpaliwanag at maibigay ang kanyang panig.
Sa ngayon, may isang linggo pa o hanggang August 11 ang deadline ng Kamara para umapela sa impeachment ng Pangalawang Pangulo.
—Sa panulat ni Jasper Barleta
—ulat mula kay Geli Mendez (Patrol 30)