Pumanaw ang isang 14 na araw na gulang na sanggol dahil sa COVID-19 sa Iloilo.
Ayon sa Igbaras LGU, sumailalim sa swab test ang bata matapos itong mamatay sa Representative Pedro Trono Memorial Hospital sa bayan ng Guimbal.
Nanganak naman nitong Hulyo 30 ang ina ng bata sa Ospital ng San Joaquin at naging normal naman ang pagsilang nito at na-discharged pa.
Matapos ang walong araw, bumalik ang mag-ina sa ospital para sa follow-up check-up at wala namang nakitang mali sa bata.
Nabakunahan pa ng anti-tuberculosis vaccine ang sanggol at wala ring nakitang mali sa bata sa Rural Health Unit (RHU) ng Igbaras.
Pero, napansin ng ina ng bata na namamaga at may rashes na ang pinagturukan sa bata kaya naman kanya itong binalik sa RHU sa sumunod na araw at binigyan ito ng gamot sa allergy.
Kinagabihan ay nahirapan na umano na huminga ang sanggol at namumula na rin kaya naman napasugod sila sa mayor ng nasabing bayan na isa ring doktor.
Namatay rin kalaunan ang sanggol matapos madala sa Ospital sa Guimbal. —sa panulat ni Rex Espiritu