Pinanindigan ni PNP Chief PGen Nicolas Torre III ang kanyang istilo ng micromanagement sa hanay ng kapulisan.
Aniya, kinakailangan ang ganitong paraan dahil may ilang commander na hindi na marunong magbigay ng malinaw na utos sa kanilang mga tauhan.
Ikinuwento rin ni PNP Chief Torre, na sa pagbisita niya sa Bicol, pinuna niya ang isang provincial director na hindi marunong gumamit ng radyo na kabilang sa tatlong opisyal sa Region 5 na maaaring masibak sa pwesto dahil sa hindi maayos na pagtatrabaho.
Bilang tugon, inatasan ni Torre ang lahat ng ground commanders na laging magdala ng radyo upang mas madali silang mamonitor at magabayan ang kanilang mga tauhan.