Maaari nang umalis ng bansa ang mga Filipino healthcare workers na may kasalukuyang kontrata sa abroad.
Ito ay ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sa kabila ng ipinatutupad na 5,000 cap para sa deployment ng mga Filipino nurses sa ibang bansa.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, hindi muna maglalabas ang POEA ng mga overseas employment certificate (OEC) sa mga Pinoy health workers.
Naabot na aniya ang naturang limit sa pagpapadala ng mga Pinoy nurses sa abroad ngayon taon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Giit pa ni Olalia, hiling ng POEA sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na itaas ang bilang ng mga Filipino health workers na puwedeng payagan magtrabaho sa ibang bansa.
Magugunitang umiiral pa rin ang temporary deployment ban sa Myanmar dahil sa nangyayaring kaguluhan dito, ngunit papayagan ang ibang Pinoy na pumunta ng Myanmar pero kailangan angkop ito sa kanilang job contracts sa naturang bansa.