Sa kauna-unahang pagkakataon, nakuhang matattoo-an ng isang tattoo artist ang isa sa pinakamatandang mambabatok o filipina tattoo artist sa Buscalan, Tinglayan, kalinga na si Apo Whang-Od.
Ayon sa tattoo artist na si Diegz Madrona, matapos niyang magpatattoo kay Apo Whang-Od ay nagulat siya nang mag-request din ito sa kaniya na tattoo-an din siya gamit ang kaniyang “Makina“ sa pagta-tattoo.
Pero dahil hindi kumpleto ang gamit ni Madrona, mismong ang traditional ink ng living legend ang kaniyang ginamit.
Sinabi ni Diegz na isang malaking karangalan na matattoo-an ang isang kilalang tattoo artist na talagang dinadayo ng mga turista sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero