Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na hindi nakapasa sa air quality standards.
Batay sa United States Air Quality Index, nasa pang-57 pwesto sa 98 bansa ang Pilipinas sa listahan ng “World Most Polluted Countries” noong 2019.
Naitala sa Pilipinas ang polusyon sa hangin na umabot sa 17.6 micrograms/cubic meter.
Mas mataas ito kumpara sa 14.6 micrograms/cubic meter noong 2018.
Bukod sa nasabing ulat, nakakuha rin ng mababang grado ang kalidad ng hangin sa bansa batay naman sa World Health Organization.