Sinibak na sa puwesto ang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinasabing may alam sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyon na halaga ng shabu.
Ito ang inanunsyo ni PDEA Director General Aaron Aquino sa kanyang pagharap sa joint House Committee on Dangerous Drugs at Good Government and Public Accountability.
Ayon kay Aquino, Setyembre 14 pa ng kanyang tanggalin bilang deputy director general for administration si Director 3 Ismael Fajardo Jr.
Sinabi ni Aquino, kanilang nadiskubreng may alam ni Fajardo at resigned Customs Intelligence and Investigation Service Officer Jimmy Guban sa daang daang kilo ng shabu na ipadadala sa bansa.
Magugunitang una nang ipina-cite for contempt ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon si Guban matapos umano magsinungaling sa kanyang pagharap sa pagnidig ng Senado.
—-