Posibleng bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Indonesia o Singapore para sa kanyang unang overseas trip bilang pangulo ng bansa.
Bibisita ang punong ehekutibo sa anumang Southeast Asian countries bilang parte ng tradisyon ng mga pangulo sa bansa.
Ayon kay Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador to the United States, ito ang plano ng pangulo bago pa ang kanyang pagdalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.
Samantala, hindi pa kumpirmado ang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. para sa (UNGA) ngunit inaayos na nang Department of Foreign Affairs (DFA) ang schedule para sa pagbisita sa iba’t-ibang bansa. -sa panulat ni Hannah Oledan