Home NATIONAL NEWS Isa pang babaeng biktima ng karahasan ng kinakasamang pulis, nagpasaklolo sa Napolcom

PBA Defending Champion San Miguel Beermen, nanatili pa rin sa top spot

by DWIZ 882 January 20, 2018 0 comment

Hindi pa rin natitinag ang Defending Champion San Miguel Beermen sa top spot ng 2017-2018 PBA Philippine Cup.

Ipinako ng San Miguel ang kartadang 4-0 matapos malusutan ang NLEX Road warriors sa score na 109-98 sa kanilang paghaharap sa Cuneta Astrodome, Pasay, kagabi.

Nanguna sa panalo ng SMB si Arwind Santos na kumamada ng double-doubles 26 points at 13 rebounds habang nag-ambag ng 25 points at 16 rebounds si Junmar Fajardo.

Nagpakawala naman ng 15 points si Kiefer Ravena para sa Road Warriors pero hindi ito naging sapat upang maka-tiyempo ng panalo laban sa number 1 team.

Dahil dito, nananatili sa bottom 4 o nasa 10th spot ang NLEX sa standing na 2-3.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment