Personal na sinaksihan ni House Speaker Martin Romualdez ang payout at distribusyon ng cash aid para sa 515 grantees sa ilalim ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers o TUPAD program at negosyo karts na pawang proyektong pinangangasiwaan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ginanap ang aktibidad na ito sa Eastern Visayas State University (EVSU) auditorium sa Tacloban City, Leyte.
Ayon kay Speaker Romualdez, tuloy-tuloy ang kanilang pagta-trabaho sa kongreso kasama sina Cong. Jude Acidre at Cong. Marie Romualdez, upang makahanap at makabuo ng mga konkretong programa para sa mga taga-Leyte at sa mga Pilipino.
Giit ng house speaker, sa bawat paggising nito sa umaga, wala na siyang ibang nasa isip kundi ang makahanap ng mga magagandang poyekto para sa kanyang mga constituent sa unang distrito ng Leyte at sa buong rehiyon.
Aabot naman sa mahigit P2.5million cash aid ang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng tupad program sa buong lalawigan. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17).