Oobligahin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na magsumite ng compliance report hinggil sa 13th month pay ng mga empleyado.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kailangang mapasakamay ng regional offices ng dole kung saan malapit ang tanggapan ng employer ang nasabing compliance report bago mag January 15, 2019.
Sa ilalim ng Presidential Decree 851 kung saan nakasaad ang 13th month pay, kabilang sa dapat lamanin ng compliance report ay: kabuuang bilang ng mga empleyado, pangunahing produkto o negosyo, kabuuang halaga ng mga naibigay na benepisyo, halagang tinanggap ng kada manggagawa, pangalan at lokasyon ng establishment, kabuuang bilang ng mga manggagawang tumanggap ng bayad at pangalan, posisyon at contact number ng taong nagbigay ng mga nasabing impormasyon.