Hindi bababa sa 68 katao ang nasawi habang 30 iba pa ang sugatan matapos bumagsak ang isang tulay sa India.
Ayon sa mga otoridad, mahigit 400 indibidwal ang nasa suspension bridge sa Machhu River sa bayan ng Morbi nang mangyari ang insidente.
Inatasan naman ni Prime Minister Narendra Modi ang state chief minister na kaagad na magpadala ng teams para sa rescue operation.
50 navy at 30 air force personnel ang idineploy sa lugar upang tulungan ang National Disaster Management Team na hanapin ang mga nawawalang indibidwal.
Sa ngayon ay bumuo na ang pamahalaan ng special investigation team upang suriin ang insidente.