Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) ang isang patas na imbestigasyon sa lahat ng mga sinasabing sangkot sa tinaguriang “pastillas scheme” sa Bureau of Immigrations (BI).
Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra, bago pa man pumutok ang isyu sa “pastillas scheme”, may gumugulong na silang imbestigasyon hinggil dito.
Sinabi ni Guevarra, kabilang sa mahigpit nilang tinututukan ang problema sa human trafficking na ugat ng “pastillas scheme” o suhulan sa mga paliparan.
Iginiit pa ni Guevarra, magiging batayan nila sa imbestigasyon ang mga makakalap na ebidensiya at hindi titingin sa estado o posisyon ng mga taong sangkot sa anomalya.
Magugunitang sa pagdinig sa Senado, itinuro ng kolumnistang si Ramon Tulfo si dating Justice secretary Vitaliano Aguirre bilang utak ng “pastillas scheme”.