Ibinalik ng Bureau of Customs ang patakaran na agad na nagsususpinde sa mga tiwaling importer at broker kahit sa unang paglabag pa lamang.
Sa ilalim ng muling pagpapatupad ng Customs Memorandum Order 12-2021, maaaring patawan ng hanggang siyamnapung araw na suspensyon ang sinumang mahuling nagpasok ng ipinagbabawal o restricted na produkto nang walang permit o clearance.
Kasabay nito, mawawalan na ng bisa ang Memorandum 06-2024 na pansamantalang nagpatigil sa otomatiko ng suspensyon hangga’t walang administratibong kaso.
Ang mga masasangkot ay iisyuhan din ng Warrant of Seizure and Detention para sa kanilang mga kargamento.
Layunin ng hakbang na palakasin muli ang kapangyarihan ng BOC laban sa mga paglabag sa accreditation habang tinitiyak na hindi maaapektuhan ang lehitimong kalakalan.