Ikinagulantang ng mga residente ng Abra at kalapit na lalawigan matapos ang naging pagyanig na magnitude 7.3 na lindol.
Ayon kay Abra Rep. Ching Bernos, matapos ang naging pag-uga ay agad naman nakita ang mga nawasak na establisyimento.
Ang tanggapan ng kongresista ay patuloy ang koordinasyon sa mga otoridad para matulungan ang mga pamilya at komunidad na labis na naaapektuhan o napinsala ng lindol.
Samantala, nanawagan naman si Bernos sa mga kababayan na maging kalmado at maging alerto sa posibilidad na aftershocks.