Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kongreso ang panukalang batas na nagsusulong ng mandatory registration ng subscriber identity module o sim card upang makatulong sa mga otoridad sa pagtugis sa mga kriminal.
Sa ilalim ng House Bill 5231, inoobliga ang mga bibili ng pre-paid sim cards na magpresinta ng valid identification na may litrato bago sila makabili mula sa direct seller.
Maliban dito, pipirma rin ang mga customers sa isang registration form na mayroong control number at inisyu ng telecommunication company na nagbebenta nito.
Isa sa mga mahahalagang probisyon ng batas ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga Telcos o Telecommunication Companies na i-deactivate ang mga hindi rehistradong sim cards.
Ayon kay Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon, isa sa mga may-akda ng nasabing panukalang batas, sa pamamagitan nito’y masasawata ang talamak na nakawan ng cell phone.
By Jelbert Perdez