Muling ipinanawagan ng Department of Health na ipasa na ang panukalang batas na magtataas ng buwis sa sigarilyo at alak upang pondohan ang Universal Healthcare Act.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang pagpapataw ng buwis sa sigarilyo at alak ang isa sa pinaka-mabisang paraan upang mabawasan ang mga nagkakasakit dulot nito.
Sakali anyang ipasa ang bill ay makakamit ng bansa ang non-communicable disease target upang mabawasan ang smoking prevalence ng 15% hanggang taong 2022.
Una ng inaprubahan ang House version ng Sin Tax Reform Bill sa ikatlo at huling pagbasa na layuning patawan ng karagdagang buwis na aabot sa 2 pesos at 50 centavos ang kada pakete ng sigarilyo.