Wala pang nararamdamang pagtaas sa hospital utilization rate ang mga pribadong ospital.
Ito’y ayon sa private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano kasunod nang naitalang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.
Sinabi pa ni De Grano na bagama’t naririyan pa ang mga sub-variants ng naturang sakit ay mild hanggang moderate lamang ang sintomas nito.
Karamihan din aniya sa mga tinatamaan ng sakit na nai-record man o hindi, ay hindi na nagpapa-admit pa sa mga ospital maliban na lamang sa mga may comorbidities.
Matatandaang sinabi ng independent monitoring group na OCTA research na sumirit sa 9.7% ang positivity rate sa Metro Manila at nakapagtala rin ng pagtaas ang iba pang lugar sa bansa. —mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)