Lusot sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ideklarang “National Bible Day” ang huling Lunes ng Enero.
Walang tumututol sa Senate Bill No. 1270 na ini-akda ni Senador Manny Pacquiao.
Dahil dito isa ng Special Working Holiday ang National Bible Day kung saan layunin nitong pagbuklurin ang mga Kristiyano sa pananampalatayang itinuturo ng banal na kasulatan.
Katuwang ni Sen. Pacquiao sa pagbuo ng nasabing panukala sina Sen. Chiz Escudero, Chair ng Senate Committee on Education, Arts and Culture at Sen. Joel Villanueva.
Posted by: Robert Eugenio