Inimbitahan ni Singaporean President Halimah Yacob si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior na magsagawa ng state visit upang mapalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at Singapore.
Ipinahatid ang imbitasyon kay Marcos sa pamamagitan ng isang sulat na ipinost sa website ng foreign ministry ng Singapore.
Nagpaabot din ng pagbati si Yacob sa pagka-panalo nito sa halalan noong Mayo 9.
Setyembre 2019 nang magsagawa ng state visit sa Pilipinas ang Singaporean Leader.
Una nang nagpaabot ng pagbati kay BBM si Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kung saan inihayag nitong suportado ng mga mamamayan ang liderato at vision ni Marcos para sa Pilipinas.