Kinumpirma ng mga fast-food giants Jollibee Group at Mcdonald’s Philippines na numinipis na ang stock ng manok sa ilan nilang branch.
Ito, ayon sa Jolibee Group, ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng consumer demand at limitadong chicken supply sa merkado, kaya’t ilang branches ng Jollibee at Mang Inasal ang hindi nakakapag-serve ng chicken orders.
Inihayag naman ni Mcdonalds’ Philippines Corporate Relations Director Adi Hernandez na ilang branches nila ang pansamantalang wala o limitado ang chicken products.
Nakikipag-ugnayan na ang Jollibee at Mcdo sa kanilang supplier upang matugunan ang lumalaking demand at tiniyak na makakapag-serve na ng chicken orders sa kanilang mga customer sa lalong madaling panahon.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa ilang branches ng Jollibee at Mcdo sa Caloocan at Quezon Cities, limitado na ang pag-order ng manok at hindi na rin maaaring mamili ng chicken parts.
Sa Imus City, Cavite naman, pahirapan din ang pag-order ng chicken bucket meal sa ilang branch ng mga nasabing fast food chain simula pa noong isang buwan.