Aprubado na sa House Justice Committee ang House Bill 505 na nagpapababa sa edad ng criminal liability, siyam mula sa labinlima.
Ito’y sa kabila ng pagtutol ng iba’t ibang children’s rights advocate maging ng United Nations sa panukalang batas.
Sa isang executive session, lumusot sa committee level ang substitute bill para sa House Bills 505, 935, 1609, 2009 at 3973 sa botong 9-1.
Ipinaliwanag naman ni Committee Chairman at Oriental Mindoro 1st District Representative Doy Leachon na hindi naman intensyon sa panukala na ipakulong ang mga bata bagkus ay magpatupad ng reporma sa criminal liability.
Inaasahan na maisasalang na sa plenary debate ang batas ngayong linggo.
Plenary debate on the Bill lowering the criminal liability to 9 years old to start this week-Leachon @dwiz882 pic.twitter.com/uaMPVRt048
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) January 21, 2019
Committee Report ng bill na gagawin 9years old ang criminal liability mula sa 15 years old @dwiz882 pic.twitter.com/EwvB9iMG3e
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) January 21, 2019
(Ulat ni Jill Resontoc)
PAGLIKHA NG MGA KORTE PARA LAMANG SA MGA JUVENILE OFFENDER ISINULONG
Isinusulong ni Assistant House Majority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. bernadette Herrera-Dy ang paglalagay ng safeguards sa panukalang batas para sa pagpapaba ng edad ng criminal liability.
Ayon kay Dy, dapat lumikha ng juvenile courts na dapat magkaroon ng eksklusibong hurisdiksyon sa lahat ng criminal at civil cases laban sa mga youth offender upang ma-protektahan ang mga kabataan mula sa pang-a-abuso.
Bagaman tutol, ipinanukala rin ng kongresista na sa ilalim ng House Bill 505 ay dapat bigyang mandato ang department of social welfare and development upang pangunahan ang pagtulong sa mga youth offender.
Dapat anyang mag-deploy ang DSWD ng isang social worker sa bawat police station upang sumaklolo anumang oras sa mga kabataang sangkot sa krimen.
—-