Bahagya muling bumaba ang karagdagang daily COVID-19 cases sa bansa.
Sa datos ng Department of Health kahapon, nakapagtala ng 3, 643 additional COVID-19 infections kumpara sa 3, 715 noong Sabado.
Dahil dito, bumaba pa sa 35, 271 ang aktibong kaso kahapon kumpara sa 36, 146 noong Sabado.
Sumampa naman sa 3, 855, 804 ang total case load, kabilang ang 3, 759, 176 recoveries at 61, 357 deaths.
Sa kabila nito, nananatiling mababa ang mga bagong kaso ng COVID-19 kumpara sa average daily cases na 4,001 simula August 8 hanggang 14.
Samantala, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinaka-maraming nagkasakit sa nakalipas na dalawang linggo, 14, 128 cases; sinundan ng CALABARZON, 8,441 at Central Luzon, 4, 785.