Hiniling ng National Parents-Teachers Association (NPTA) Philippines ang pagkakaroon ng tatlong class shift para sa ilang paaralan sa pagsisimula ng Academic Year 2022-2023 ngayong araw.
Ito, ayon kay NPTA Philippines president Willy Rodriguez, ay sa gitna pa rin ng presensya ng COVID-19 pandemic.
Maaari anyang magpatupad ng tatlong shift sa sandaling kulangin ang mga silid-aralan.
Tiniyak ni Rodriguez na handa ang mga magulang sa pagbubukas ng klase sa kabila ng mga hamon na kinakaharap, tulad ng kakulangan ng mga classroom dahil sa dumaraming mag-aaral kada taon.
Samantala, iminungkahi ng NPTA na dagdagan ang palapag ng mga school building at gawing 6 stories ang itatayong mga gusali sa halip na apat na palapag lamang upang makapag-accommodate ng mas maraming estudyante.