Nakapagtala ang Pilipinas ng 7,652 na bagong COVID-19 recoveries nitong nakalipas na 24 na oras.
Dahil dito, umakyat na sa 1,277,715 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa impeksiyon.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng Department of Health o DOH, nagkaroon naman ng 5,803 na bagong kaso dahilan upang sumampa sa 1,359,015 ang total cases sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, nasa 57,679 ang mga aktibong kaso.
Samantala, sumirit sa 23,621 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng walumpu’t apat pang pasyente.