Sumampa na sa 155 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Paeng.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga namatay ay nasa edad 26 hanggang 50.
Nasa 129 naman ang sugatan habang 34 ang nawawala.
Pumalo naman sa P4.17-B ang pinsala sa imprastruktura, P113.51-M sa agrikultura at P17.28-M sa mga nasirang kabahayan.
Sa 1.2M Pilipino na naapektuhan ng bagyo, nasa 1,038 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center.
Samantala, nakapamahagi na ang gobyerno ng P159.72-M na tulong sa mga biktima ng bagyo.