Naglabas ng schedule sa mga tren ng MRT-3 ang Department of Transportation (DOTr) para sa nalalapit na Undas 2022.
Ayon sa pamunuan ng DOTr, simula October 30 hanggang November 1, 2022, mag-uumpisa ang biyahe ng tren sa North Avenue station ng 4:38 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi ang last trip.
Magsisimula naman ng 5:19 ng umaga ang biyahe ng MRT-3 sa Taft avenue station na tatagal hanggang 10:09 ng gabi ang last trip.
Tiniyak naman ng ahensya ang seguridad at kaligtasan sa biyahe ng mga pasahero hinggil sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day bilang bahagi narin ng programang “oplan biyaheng ayos.”
Bukod pa dito, naglagay narin ng mga kawani sa bawat istasyon ang DOTr na nakatalaga sa commuter welfare desk upang tumulong at tugunan ang mga pangangailangan ng mga pasahero.
Mahigpit ding binabantayan ang mga lalabag sa 7 commanments na ipinatutupad ng ahensya sa loob ng tren para maiwasan ang hawahan ng covid-19.