Iminumungkahi ng Department of Health (DOH) ang panukalang batas na magsisilbing ‘basis’ sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, matapos isinailalim sa State of Calamity ang bansa, nagpasa sila ng panukalang batas na Public Health Emergency for Emerging and Re-emerging Disease Bill sa House of Representatives.
Dagdag ni Vergeire, layon ng panukalang ito makita ang iba’t ibang bahagi na ginagawa ng DOH tulad ng pagbili ng mga bakuna, pagtugon sa mga emergency sa kalusugan at pagbibigay ng mga benepisyo sa mga healthcare workers.
Iniharap ng DOH ang panukala sa mga mambabatas at kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa kauna-unahang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting kung saan itinuturing itong priority measure ng kasalukuyang administrasyon. —sa panulat ni Jenn Patrolla