Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ibubunyag ang aniya’y naaamoy niyang ‘sweetheart deal’ sa pagitan ng Meralco at Energy Regulatory Commission (ERC) na nagdulot ng mataas an singil sa kuryente sa mga nakalipas na buwan.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Governannce and Accountability sinabi ni Cayetano na halata ang pagkiling ng ERC sa Meralco kayat malakas ang loob ng kumpanyang sumingil ng todo todo sa konsumo sa kuryente.
Iginiit ni Cayetano na hindi ubrang maisakripisyo ang pangangailangan ng publiko para lamang ma benepisyuhan ang mga malalaking kumpanya, may mga kapit sa kapangyarihan o mayayaman.
Inihirit ni Cayetano sa Meralco na humanap ng paraan para maging magaan sa consumers ang pagbabayad nla ng kanilang bills tulad ng pagbibigay ng subsidy o discount sa mga ito.