Maliit na isyu lamang para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kinasasangkutang “mañanita” issue ng kanyang itinalagang hepe ng pambansang pulisya na si General Debold Sinas.
Base sa isinapublikong video clip ng Palasyo, sinabi ni Pang. Duterte na walang pagkakamali si Sinas sa nangyaring mañanita dahil halos maituturing na aniya itong religious ritual na nakaugalian na ng mga Pilipino.
Pahayag pa ng Pangulo, hindi daw kasalanan ni Sinas ang naganap na surpresang selebrasyon sa kaarawan nito noong Mayo, sa kabila ng banta ng COVID-19, dahil mismong mga tauhan umano nito ang nagtungo sa kanyang tanggapan sa NCRPO.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, pardon o abswelto aniya si Sinas sa isyu ng paglabag sa ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19 dahil wala umano syang nakikitang masama o malisya sa naganap na mañanita incident.