Wala pa ring natatanggap na written at formal instructions ang Defense Department mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para itigil na ang paghahanda para sa susunod na joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at United States.
Itoy kahit nabanggit na ng Pangulong Dutere ang pagtigil sa Balikatan sa kanyang mga talumpati.
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong gagawa lang sila ng aksiyon kapag may written instructions na mula sa Malakanyang.
Aminado si Andolong na magkakaroon ng epekto ang pagtigil ng joint military exercises lalo na sa humanitarian assistance and disaster response.
Nagsisilbi din anyang morale booster sa mga sundalong Pinoy pag nakakakita at nakagagamit ng mga bagong kagamitan kahit man lamang sa mga joint military exercises.
Ayon pa kay Andolong hindi ang Defense department ang magbibigay ng abiso sa US sa pagtigil ng Balikatan kundi ang Department of Foreign Affairs.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal