Umaasa ang Department of National Defense (DND) na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hiling kaugnay sa pondong inilaan para makabili ng black hawk choppers at patrol vessels.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa P62-billion na pondo ang naitabi ng gobyerno para sa 32 black hawk helicopters at 6 na offshore patrol vessels mula ibang bansa.
Kumpiyansa si Lorenzana na mapipirmahan ni Pangulong Duterte ang mga kontrata bago ang pagtatapos ng kaniyang termino sa susunod na taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero