Isinusulong ni Quezon City Representative Winston Castelo ang 30-days paid leave para sa mga cancer patient.
Sa ilalim ng House Bill 5174 nakasaad na pinapayagang lumiban sa trabaho ng maximum na 30 days ang mga cancer patient para matutukan ang kanilang pagpapagamot.
Paliwanag ni Castello ito ay bunsod ng nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga may cancer sa bansa.
Binigyang diin din ng kongresista na kinakailangan ng sapat na panahon ang pagpapagamot at pahinga ng isang pasyenteng may cancer.
—-