Nagbabala si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano sa administrasyon na huwag nang hintayin na mismong ang mga miyembro pa ng Philippine Navy ang maglabas ng kanilang sama ng loob.
Ito’y makaraang batikusin ng mambabatas ang naging pagharap ng mga opisyal ng Philippine Navy sa pagdinig ng Senado kamakalawa kaugnay ng Frigate deal kung saan, nakaladkad ang pangalan ni SAP o Presidential Assistant to the President Cristopher Bong Go.
Ayon kay Alejano, tila praktisado at memoryado aniya ng mga opisyal ng Navy ang kanilang mga ihahayag sa naturang pagdinig bilang resulta na rin ng pabalik – balik ng mga ito sa Malakaniyang batay sa natanggap niyang impormasyon.
Giit ng mambabatas, dapat hayaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magsalita ng naayon sa kanilang kalooban ang mga opisyal ng Navy upang malantad na rin ang katotohanan sa likod ng naturang kontrata.
Posted by: Robert Eugenio