Nakadepende pa sa magiging sitwasyon ng COVID-19 sa bansa ang pagbubukas ng Academic Year 2022-2023.
Ayon kay Department of Education Nepomuceno Malaluan, posible kasing magpatupad ng adjustment ang bagong administrasyon ng DepEd lalo na sa pagsisimula ng klase.
Pero maaari naman aniya itong mapaaga lalo na kung magtutuloy-tuloy ang pagbuti ng kalagayan ng COVID-19 sa bansa.
Sakaling mangyari ito, pwede nang simulan ang ay 2022-2023 sa buwan ng Mayo o Hunyo.
Maliban dito, may tiyansa na ring payagan ang in-person graduation ceremonies para sa SY 2021-2022 kung mas paluluwagin pa ang restriksyong ipinatutupad.
Samantala, nakitaan din ng pagtaas ang mga eskwelahang lalahok sa “progressive expansion” phase ng in-person classes sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.
Sa ngayon kasi aniya, mayroon nang halos 7,000 paaralan sa bansa ang magsasagawa ng face-to-face classes na mas mataas kumpara sa 4,295 sa naitala noon lamang nakaraang linggo.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles