Pag-uusapan pa ng Senado kung isasapubliko ang mga isiniwalat na impormasyon ni dating CIDG chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa isinagawang executive session hinggil sa kontrobersiya sa New Bilibid Prison at GCTA o Good Conduct Time Allowance.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kinakailangan pang aprubahan at bigyan ng permiso ng mga members ng Blue Ribbon Committee kung isasapubliko ang napag-usapan sa pagdinig.
Sinabi ni Sotto, magkahalong gulat at bagabag ang kanyang naramdaman nang marinig ang pahayag ni Magalong.
Binigyang diin pa ni Sotto, lahat ng mga anomalya sa NBP o New Bilibid Prison na lumabas sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ay wala pa aniya sa kalingkingan ng mga narinig niya mula kay Magalong sa pagharap nito sa executive session.
“What is happening kumbaga sa ingles, there are worms coming out of the wood work. Hindi namin sinasadya rito, wag nilang sisihin yung chairman ng justice o ng blue ribbon dito. Collateral damage yung ibang issues pero talagang hindi maiiwasan katulad nun. From the past up to the present, ang tanong nga namin is paanong hindi nare-resolve ito? Bakit hindi nare-resolve ito? Eh yung mga nangyari noong araw, ayan ABCD, 1234.. ha? Hanggang ngayon?. Ang amin ngayon is, let’s find a solution,” ani Sotto — sa panayam ng Usapang Senado