Hinimok ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang National Task Force for COVID-19 na magpadala ng mga eksperto sa kanilang lungsod upang mapigil ang pagtaas ng kaso ng Delta variant.
Ito’y matapos makapagtala ng 11 kaso ng naturang variant kung saan lima rito ay mula sa Cagayan de Oro.
Bukod dito, humiling rin si Rodriguez ng karagdagang bakuna dahil laganap na sa lungsod ang Delta variant.
Magugunitang kabilang ang Cagayan de Oro, Iloilo Province at Gingoog ang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang katapusan ng Hulyo.
Gayunpaman, pinaalalahanan muli ni VP Leni Robredo ang mga Pilipino na sundin ang ipinapatupad na health protocols upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.