Wala pang napipiling bagong Philippine National Police (PNP) chief ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ayon sa pangulo ay bagamat pawang magagaling at wala siyang duda sa integridad ng mga nasa short list ng susunod na PNP chief.
Sinabi ng pangulo na masusi niyang pinag aaralan ang bawat contender dahil hindi na aniya siya nakikialam sa pamamalakad kapag na appoint na niya ang isang opisyal.
I’m taking my time appointing one.. because he would be appointing the edge of every department there, especially the comptroller and the finance people. Sino ‘yong gusto niyang mapunta do’n. Sino ‘yong kaibigan niya,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga nasa short list na ibinagay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangulo bilang susunod na PNP chief ay sina PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, deputy chief for operations Lieutenant General Camilo Cascolan, at Chief of the Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar.