Tumanggi munang magkomento ang DepEd o Department of Education hinggil sa naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi pa nila prayoridad sa ngayon ang pagtataas sa sahod ng mga guro.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Legislative Liaison Office Tonisito Umali , ipinauubaya na nila sa Department of Budget and Management ang magiging hakbang hinggil sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na umento sa sahod ng mga guro.
Giit pa ni Umali, ang DBM naman talaga ang eksperto hinggil sa nasabing usapin at mayroong mandato kung kailan kakailanganin ang pagtaas sa sahod.
Una nang sinabi ni Diokno na kakailanganin ng limangdaang bilyong pisong pondo para sa sinasabing planong pagtaas sa sweldo ng mahigit animnaraang libong (600,000) public school teachers sa buong bansa.