Nag landfall na sa Cagayan ang Tropical Cyclone Ramon at patuloy itong kumikilos pa hilagang-kanluran.
Ayon sa Pagasa, dakong 12:20 a.m. ngayong araw nang mamataan ang sentro ng bagyong Ramon sa hilagang-silangang parte ng Santa Ana, Cagayan.
Taglay nito ang hanging may lakas na aabot sa 120 km/h (kilometro kada oras) at pag bugsong aabot sa 200 km/h.
Dahil dito ay itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal(TCWS) No. 3 sa Gattaran, Lasam, Baggao, Alcala, at Santo NiƱo, Cagayan, kasama na rin ang iba pang mga lalawigan sa hilagang parte ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Allacapan, at Lal-lo)
Signal No. 2 sa Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at sa ibang parte ng Cagayan.
Signal No. 1 naman sa hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu, at Ilagan City), Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union, at Pangasinan.
Inaasahang hihina na ang lakas ng bagyong Ramon matapos nitong mag landfall at dahil na rin sa Northeast Monsoon.