Pinagtibay ng Korte Suprema ang ginawang pagpapawalang sala nito kay dating Pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kasong plunder.
Ito’y makaraang ibasura ng High Tribunal ang inihaing motion for reconsideration ng Ombudsman na humihiling na baliktarin ang naunang nitong desisyon .
Paliwanag ng mga mahistrado, itinuturing na double jeopardy ang pagbaliktad sa nauna nilang desisyon at ipinagbabawal ito sa batas.
Magugunitang pinaboran ng Supreme Court ang demurrer to the evidence ng kampo ni Ginang Arroyo na naging daan upang mabasura ang kasong plunder na isinampa laban sa kaniya.
Nag-ugat ang kaso sa paglustay umano sa milyun-milyong Pisong intellegence fund ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo