Inako ng grupong Islamic State ang nangyaring pagpapasabog sa isang mosque sa Kabul, Afghanistan noong Biyernes, April 29.
Ayon sa Telegram account ng IS, naglagay sila ng pampasabog malapit sa isang bus sa Sector 6 ng KabulĀ kung saan sampu ang naitalang nasawi habang 30 naman ang sugatan.
Inihayag naman ng mga opisyal ng Afghanistan na tiyak na ang target ng pagatake ng nasabing grupo ang mga miyembro ng minority Sufi community na nagsasagawa ng ritwal noong araw ng pagsabog.
Mariin namang kinondena ng United Nations ang ginawang krimen ng Islamic state group.