Ipatutupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang no fly zone para sa mga drone sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Ito ay bahagi ng pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga lalahok na deboto sa taunang traslacion.
Ayon kay AFP Lt. Col. Llewellyn Binasoy, ipagbabawal din maging sa mga media ang pagpapalipad ng drone.
Kasabay nito sinabi ni Binasoy na muli silang makikipag-ugnayan sa committee na in charge sa naturang okasyon para mapag-usapan kung papaano maipatutupad ang pagbabawal sa pagpapalipad ng mga drone.
By Ralph Obina