Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Pagpapalawig sa expiration ng passport lusot na sa Kongreso

by DWIZ 882 February 14, 2017 0 comment

Inaprubahan na ng kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong palawigin ng mula limang taon hanggang sampung taon ang Philippine Passport.

Ayon kay House Deputy Speaker Sharon Garin 216 na mambabatas ang pumabor sa House Bill 4767 nina House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Ipinadala na sa Senado ang kopya ng house bill para sa approval nito at magpupulong din ang Bicameral Committee sakaling lumusot sa dalawang kapulungan bago isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

By: Jelbert Perdez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment