Nasa kamay na ni Justice Vitaliano Aguirre ang desisyon kung tuluyang ilalagay sa Witness Protection Program (WPP) ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte , ayaw niyang panghimasukan ang kaso ni Napoles kung kaya ipinauubaya na niya sa kalihim ang nasabing isyu.
Nauna rito , iginiit ni Aguirre na handa na si Napoles na isiwalat ang kanyang lahat na nalalaman kaugnay sa pork barrel scam.
Binigyang diin pa ni Aguirre na hindi si Napoles ang “most guilty” sa krimen dahil hindi ito isang public official at walang itong direktang access sa pondo ng gobyerno.
Si Napoles ang sinasabing utak sa pork barrel scam kung saan inilipat nito sa kanyang mga bogus na Non-Government Organization (NGO) ang pondo ng mga mambabatas na dapat sana ay nakalaan sa kanilang mga proyekto.