Pinaboran ni PNP Chief Oscar Albayalde ang planong pagiging state witness ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ sa kaso laban kina Vice President Leni Robredo at iba pang miyembro ng oposisyon.
Ito’y matapos maghain ng aplikasyon sa Department of Justice si ‘Bikoy’ sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Larry Gadon na mailagay sa witness protection program (WPP).
Ayon kay Albayalde, may makukuha na siyang suporta sa gobyerno kung siya ay maisasailalim sa WPP.
Naging basehan ang pahayag ni ‘Bikoy’ sa pagsasampa ng kasong sedisyon laban kay Robredo at sa 35 iba pa.
Matatandaang sinisi ni ‘Bikoy’ ang mga sinampahan ng kaso na kaugnay sa inilabas na mga video na idinadawit si Pangulong Rodrigo Duterte at mga kamag-anak nito sa bentahan ng ilegal na droga.