Bumagsak ang bilang ng mga sasakyang bumabaybay sa kahabaan ng Edsa simula nang tumaas ang presyo ng langis nitong nakalipas ng March 10, 2022.
Pahayag ni MMDA Dir. Noemie Recio, na mula sa dating 396,000 na mga sasakyang dumadaansa Edsa, bumaba ito sa mahigit 370,000.
Isa sa mga nakikita aniyang dahilan nito ang pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi pa ni Recio na kapansin-pansin din na kahit inilagay na sa alert level 1 ang NCR, hindi parin umaabot sa inaasahan nilang bilang angmga behikulong bumibyahe sa Edsa.
Bago aniya pumasok ang pandemya, pumapalo sa humigit kumulang na 405,000 ang volume ng mga sasakyan na kanilang naitala dito.