All set na ang ipatutupad na seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Gaganapin ito sa National Museum of the Philippines sa darating na Hunyo 30.
Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Felipe Natividad, naisapinal na nila ang security preparation para matiyak ang zero casualty at posibleng untoward incident.
Wala pa namang namo-monitor na banta ang NCRPO pero tiniyak nilang patuloy ang kanilang monitoring at koordinasyon sa kanilang mga counterparts.
Ang otorisado lamang na magdala ng baril sa event ay ang mga police, military at ilang law enforcers na mayroong official duties.
Samantala, muli namang ipinaalala ni NCRPO Public Information Officer, Lt. Col. Jenny Tecson na hindi papayagan ang mga backpack sa lahat ng VIP areas para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.