Gagamit ng antigen test ang pamahalaan para masuri ang mga evacuees laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga evacuation centers at komunidad na matinding naapektuhan ng pananalasa ng bagyo.
Ayon kay Roque, maaaring gumamit ng antigen tests kung hindi magiging available ang RT-PCR test.
Sinabi ni Roque na bagama’t hindi niya matiyak kung lahat ng mga nasa evacuation centers ay maisasalang sa COVID-19 testing, sigurado naman aniyang magkakasa ng testing lalu na sa mga evacuees na may sintomas.
Una rito, hinimok ng OCTA Research Team ang mga local government units na maglaan ng sapat at accesible na COVID-19 test, epektibong contact tracing at isolation facilities sa mga pamilyang nasa sa mga evacuation centers dahil sa bagyo.