Pinalakas ng militar ang kanilang opensiba laban sa New People’s Army o NPA sa Nueva Ecija.
Kasunod na rin ito ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga operating units ng 3rd infantry battalion ng Philippine Army at isang grupo ng armadong myembro ng NPA sa may Barangay Ra Padill, bayan ng Carranglan.
Sugatan sa engkwentro ang 2 sundalo at 1 sibilyan na umano’y driver ng backhoe.
Ayon kay 3rd infantry battalion Commander, Lt. Col. Eugene Batara, nagsasagawa ng bayanihan activities ang kanyang mga tropa nang makasagupa ang mga nasabing rebelde.
Kasalukuyan na aniyang nagpapagaling sa Fort Magsaysay Army station hospital ang 2 sugatang sundalo na nagtamo ng minor injuries.
Ipinabatid din ni Batara na nabigyan na ng medical assistance ang sugatang sibilyan.
By: Meann Tanbio